Dalawa katao na dinukot ng armadong grupo sa Zamboanga del Norte, na-rescue; isa, patay.

Dipolog City- Dalawa sa tatlong mga sibilyan ang na-rescue sa mga otoridad na unang naiulat na dinukot ng armadong grupo sa lungsod ng Siocon sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Sa report mula sa Zamboanga del Norte PNP Provincial Command sa pangunguna ni PSSupt. Edwin Wagan, PNP Provincial Director sa lalawigan, ang tatlo ay nakilalang sina Carlo Carino 24, Marjun Alano 27, at Ronnie Tanggupan 40, parehong mga residente sa naturang lugar.

Nabatid na agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga miembro ng PNP Siocon kasama ang 13th Special Forces Personnel at 42nd Infantry Battalion, Philippine Army laban sa mga armadong grupo na nag-resulta sa limang minutong engkwentro at dito rin natagpuan ang wala ng buhay na biktima na si Tanggupan isa sa tatlong dinukot.
Patuloy ang operating troops sa paghabol sa armadong grupo at nang-hostage na naman ng dalawang sibilyan na nakilalang sina Edison Maquilang at Josep Pangaral pero swerte namang nakatakas ang dalawa sa tulong ng blocking troops sa area.


Umabot naman sa 40 pamilya ang lumikas sa takot na maipit sa nasabing engkwentro.

Wala namang naitalang casualties sa panig ng pamahalaan.

DZXL558

Facebook Comments