Dalawa katao, nahulihan ng marijuana sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang katao mataposna mahulihan ng Marijuana sa Brgy. Immaculate Concepcion Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Julius ChristianAlcantara 24 anyos residente ng Hillcrest Street Brgy. Immaculate Concepcion QCat Josua Ocampo 21 anyos residente nakatira rin sa naturang lugat.
Ayon kay QCPD Station 10 Commander P/Supt.Pedro Sanchez nagsasagawa ng Anti- Criminality Campaign Operation kagabing pasado alas otso angkanyang mga tauhan sa kahabaan ng Hillcrest Street Brgy. Immaculate Concepcion dahil sa napaulat na mayroong gumagamit ng Marijuana sa lugar.
Naispatan ang dalawa sa loob ng nakaparadang jeep nanagbebenta ng Marijuana kung saan naaktuhan pa si Alcantara na iniabot ang marijuana kay Ocampo.
Nagtangka pang tumakas si Alcantara pero nasukol siyanina PO3 Marlon Zabala at SPO1 Diamond Panlaque.
Narekober sa dalawa ang tatlong sachet ng Marijuana atpera mula kina Alcantara at Ocampo.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa dalawang naarestong suspek.

Facebook Comments