Isang magsasaka, boluntaryong sumuko sa Barangay matapos saksakin ang kanyang misis at kalaguyo nito

133

Manila, Philippines –  Boluntaryong sumuko sa Barangay ang isangmagsasaka matapos na pagsasaksakin nito ang kanyang misis at kalaguyo nito saQuezon City.
  Walang pinagsisisihan ang suspek na si Bernardo Tolitol58 anyos matapos na mapatay nito sa saksak ang kanya mismong misis na si Marilou Bulatag 41anyos at ang kalaguyonitong si Junie Gulas Jr. sa may bahagi ng MRB Building 24, Brgy. CommonwealthQuezon City.
  Ayon kay Tolitol, galing lamang sya ng Samar at hindi nyaipinaalam sa kanyang live in partner na si Bulat-ag na uuwi sya kagabi.
  Pagdating umano niya sa kanilang bahay laking  gulat na lamang nito  dahil nahuli niya mismo sa akto ang kanyangmisis na si Marilou Bulat-ag na may katalik na iba.
  Pagpasok niya ng bahay mabilis umanong  na nag ayos ang dalawa kung saan agad umano nakumuha ng gunting si Junie at akmang sasaksakin siya.
  Buti na lamang aniya at nakaiwas siya at mabilis nainagaw ang gunting .
  Dito na umano nagdilim ang paningin ni Bernardo atmagkasunod niyang pinagsasaksak si Junie at marilou hanggang sa bawian ng buhay.
  Kusa namang sumuko sa Barangay si  Bernardo at inamin ang ginawang pag patay sakanyang live in partner at sa kalaguyo nitong si Junie.

Facebook Comments