Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang katao matapos silang pagsasaksakin ng kanilang naka alitan sa isang bar sa bayan ng Bolinao.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Richard Catallo at Victor Carillo samantalang ang suspek ay nakilalang si Marvin Vergara.
Naganap ang insidente pasado alas nuebe ng gabi sa isang Kambingan Resto Bar sa nasabing bayan habang nag iinuman sa kanya kanyang mesa ang suspek at biktima ng magkaroon ng komusyun.
Nauwi sa suntukan ang gulo hanggang sa maglabas ng patalim ang suspek at agad na pinagsasaksak ang dalawa.
Nagtamo ang mga ito ng saksak sa kanilang dibdib, kilikili at mga kamay na agad naman naisugod sa pagamutan habang naaresto naman ng mga otoridad ang suspek. |ifmnews
Facebook Comments