Dalawa katao tinamaan ng stray bullet sa drugs operation ng PNP

*Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang dalawang residente ng Tukananes na nahagip ng ligaw na bala makaraang nakipagbarilan ang mga nakatakas na target sa mga raiding team kahapong alas dos ng madaling araw.*
*Kinilala ang mga nasugatan na sina Diya Melicano Abdullah at si Esmael Kumpa Abdullah, na mabilis na isinugod kahapon sa CRMC matapos tamaan ng stray bullet sa katawan. Ayon sa report, pinaputukan ng mga nakatakas na suspect ang grupo ni PCI Reynaldo Delanten ang team leader sa naturang 18 Search Warrant operation sa limang mga bahay.*
*Walang nagawa ang mga kapulisan kundi gumanti ng putok subalit dahil sa madilim ang lugar at nakasakay sa bangkay ang mga target ay silay nakalayo..Ang 13 nahuli ay nakapiit na ang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9156.*

Facebook Comments