OIC | Sec. Salvador Medialdea, itinalaga sa ehekutibo habang wala ang Pangulo

Manila, Philippines – Itinatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea, na pansamantalang humalili sa bansa, kasabay ng kaniyang pagpunta sa South Korea.

Nakasaad sa Special Order no. 511, na si Mediadea muna ang OIC upang magpatuloy sa normal na operasyon ang ehekutibo simula June 3 hanggang June 5.

Kaugnay nito ay inaatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na tulungan si Medialdea sa lahat ng pagkakataon, habang wala ito sa bansa. =


Facebook Comments