Dalawa, naitalang nasawi sa magnitude 6.5 na lindol sa Visayas

Manila, Philippines – Dalawa ang nasawi habang 41 katao ang nasaktan matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte, huwebes ng hapon.

Ayon kay Leyte Mayor Rowena Codilla, dalawa ang nasawi gumuhong gusali sa bayan ng Kananga.

Sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, na nasa 40 katao ang nasugatan sa kanilang lugar.


Kinumpirma rin ni Gomez na nagkaroon ng landslide sa isa sa mga bundok sa kanilang lugar kung saan mayroong mga natabunang tao.

Nagkaroon rin aniya ng mga bitak ang tatlong highway doon pero nadadaanan pa.

Facebook Comments