Dalawa pang baybayin sa bansa, apektado na rin ng red tide toxin ayon sa BFAR

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa paghango at pagbebenta ng anumang uri ng lamang dagat mula sa baybayin ng Sapian Bay at President Roxas sa lalawigan ng Capiz.

Base sa resulta ng laboratory examination ng BFAR sa mga nakulektang shellfish sa karagatan, nagpositibo ito sa paralytic shellfish poison.

Ayon kay BFAR officer-in-charge (OIC) Atty. Demosthenes Escoto, abot na sa sampung coastal water sa iba’t ibang dako ng bansa ang positibong may red tide toxin.


Hanggang ngayon, apektado pa rin ng red tide toxin ang coastal water ng Roxas City, Panay at Pilar sa Capiz, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Gayon din sa Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanguillas Bay, Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Nanatili naman ligtas sa red tide ang mga baybaying dagat ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan.

Facebook Comments