Pagproseso sa renewal ng passport ng OFWs sa Libya, minamadali na rin ng Philippine Embassy sa harap ng kaguluhan doon

37

Minamadali na rin ng Philippine Embassy sa Libya ang pagproseso sa renewal ng passport ng mga Pilipino roon.

Ito ay bilang bahagi ng posibleng paglilikas sa mga Pinoy sa Zawiya district at mga karatig na lugar doon dahil sa kaguluhan.

Nagpapatuloy naman ang online registration at mapping ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Libya para matukoy ang kinaroroonan ng mga ito.


Nag-iikot din ang mga tauhan ng embahada sa lugar ng pinagtatrabahuhan ng ilang Pinoy sa Libya para personal na makita ang kanilang kalagayan.

Facebook Comments