Dalawa pang commercial cargo ship, tinamaan ng missile ng Russia sa Black Sea; Russian President Vladimir Putin at Foreign Minister Sergei Lavrov, pinatawan na ng sanctions ng US

Inihayag ng Ukraine na dalawang commercial ship ang tinamaan ng missiles ng Russian warships sa Black Sea.

Ayon sa Ukraine’s Infrastructure Ministry, ang Moldovan-flagged chemical tanker at Panamanian-flagged cargo ship na may kargang mga grain ay malapit sa Odessa Port ng tamaan ng missile ng Russia.

Sa ngayon ay tatlo na ang non-military vessels na nadamay kabilang ang Turkish-owned Yasa Jupiter cargo ship na nasa Odessa ng maglunsad ng full scale invasion ang Moscow.


Samantala, pinatawan na ng gobyerno ng Amerika at European countries ng sanctions si Russian President Vladimir Putin at Foreign Minister Sergei Lavrov.

Ayon sa Treasury Department, sina Putin at Minister Lavrov ay direktang responsible sa paglusob sa Ukraine na isang democratic sovereign state.

Facebook Comments