NEDA SECRETARY CHUA, BUMISITA SA QUIRINO PROVINCE

Cauayan City, Isabela -Bumisita si National Economic Development Secretary Karl Kendrick Chua sa lalawigan ng Quirino.

Sa kanyang pagbisita, pinuri ng kalihim si Governor Dakila Cua dahil sakanyang mahalagang papel sa pagkakapasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) nang mga panahon na pinamumunuan pa nito ang Committee on Ways and Means sa kongreso.

Nagbunga ng malaking pagtaas sa revenue collection ng national government ang TRAIN Law kung saan naipatupad ang build build program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Chua ang dagdag na koleksyon ng buwis sa ilalim ng TRAIN Law ay nagagamit din sa anti-Covid program ng gobyerno.

Samantala, pinuri din ng kalihim si Quirino Lone District Junie Cua sa kanyang mahalagang ambag sa usapin ng economic measures sa kongreso.

Inihayag naman ni Gov.Cua sa kalihim at kanyang mga kasamahan ang mga plano at programa ng lalawigan.

Bukod dito binisita rin ni Chua ang Art Exhibit, ang Cattle Breeding Center sa Dungo, Aglipay at ang Governor’s Rapids Nature Park sa Maddela.

Nagpamalas naman ng katutubong sayaw ang Bugkalot Dancers, ang Gabbay Pedlisan Dancers at ang Ayangan Dance Troupe.

Facebook Comments