Dalawa pang Japanese national na wanted sa kanilang bansa, naipa-deport na ng DOJ

Naipa-deport na ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang pang japanese national na wanted sa ilang serye ng nakawan sa Japan.

Sa pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, alas-12:05 ng hatinggabi nakaalis ang mga wanted na dayuhan na sina Tomonobu Saito at Yuki Watanabe na sinasabing alyas “Luffy”.

Kasabay ng umalis ang ilang mga tauhan ng Japanese police kung saan agad silang naipatapon pabalik sa kanilang bansa mataoos madismissed ang kinakaharap na kaso sa Pasay Regional Trial Court noong Miyerkules.


Matatandaan na una ng naipa-deport ng DOJ noong Martes ang dalawa pang Japanese fugitives na sina Kiyoto Imamura at Toshiya Fujita.

Bago napa-deport, nakuha na rin Japanese police ang mga ebidensiya laban sa apat na wanted mula sa Immigration.

Facebook Comments