
Inaasahang magde-deploy ng 761 tauhan ang Highway Patrol Group (HPG) para sa papalapit na holiday season.
Ayon kay HPG Director BGen. Joyce Patrick Sangalang, ang nasabing maximum deployment ay inaasahang titiyak ng seguridad lalo na ng mga biyahero na uuwi sa kanilang mga probinsya.
Kaugnay nito ibinahagi rin ni Sangalang na gagamitin bilang suporta sa maximum deployment ng HPG sa holiday season ang donasyong mga bagong motorsiklo mula sa isang pribadong kumpanya .
Ngayong araw, sa isang seremonya sa Camp Crame, Quezon City, tumanggap ang HPG ng 23 units ng 1200cc at 900cc na mga motorsiklo.
Tiniyak naman ng HPG na nakahanda rin ang kanilang Motorist Assistance and Public Assistance Desk sa mga pangunahing thoroughfares at mga bus terminals pati na ang koordinasyon nito sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa joint deployment ng mga tauhan nito sa holiday season.










