Dalawa pang maswerteng tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho, natanggap na ang kanilang napanalunang bisikleta dahil sa extended BisekleTrabaho Year 3 Promo

Ginising ng magandang balita ang dalawang maswerte tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho matapos matanggap na ang kanilang napanalunang bisekleta.

Inihatid ng ating Radyo Trabaho team ang sa kanilang bahay ang napanalunang bisekleta dahil sa extended ang BisekleTrabaho Year 3 Promo.

Ayon sa BisekleTrabaho winner na si Shena Mae Reblando ng Brgy. Gen T. de Leon, Valenzuela City, ibibigay niya sa kanyang tatay ang bisekleta na magagamit papasok sa trabaho.


Para naman kay Jhenel Cunan ng Brgy. Ugong, Valenzuela City, asawa niya naman ang lubos na makikinabang sa natanggap na bike na gagamitin din papasok sa trabaho.

Ikinagulat naman ng mga nanalo ang handog na supresa ng DZXL Radyo Trabaho dahil bukod sa bike, mayroon din silang natanggap na ₱1,000 at sandamakmak na produkto o hygiene care mula sa ACS Manufacturing Corporation.

Samantala, hindi pa huli ang lahat dahil pwede pa kayong manalo.

I-follow lang ang Facebook page ng DZXL 558 RMN Manila, mag-comment kung bakit kayo ang dapat manalo ng bisekleta.

Maaari ding tumawag sa aming himpilan sa numerong 8882-2374.

Facebook Comments