Dalawa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group, tinutugis sa Bohol

97

Manila, Philippines – Pinaghahanap pa ngayong ng mga otoridad sa Bohol ang dalawa pang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ito ay makaraang maaresto kahapon at mapatay kaninang madaling araw dahil sa pang-aagaw ng baril ang ikatlong bandido na tinutugis na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad.

Sinabi ni PNP Region 7 Director Chief Supt Noli Taliño na may lead na sila kung saan posibleng nagtatago ang dalawang natitirang terorista sa Bohol.

Naniniwala ang mga otoridad na hindi pa rin nakalalabas sa bayan ng Inabangga ang mga bandidong ito.

Ayon kay Taliño, sugatan na ang mga nagtatagong bandido.

Matatandaang kahapon, bago napatay kaninang madaling araw si Saad, nakapabigay na ito ng mahahalagang impormasyon.

Pero ayon kay Taliño, kailangan pa munang isailalim sa beripikasyon ang mga nakuha nilang detalye kay Saad.

DZXL558

Facebook Comments