SAF member nagbaril ng sarili-patay

General Santos City—wala nang buhay nang natagpuan ang isang Special Action Force member habang ito ay nasa loob ng kanilang tanggapan na nakabase sa Police Regional Office 12 matapos itong pinaniniwalaang nagbaril ng sarili.
Kinilala ang biktima na si Po2 Melchor Cordero, residenti ng North Cotabato.
Alas 6:00 ng gabi, nang natagpuan ng kanyang mga kasamahan ng biktima ang katawan nito na naliligo ng kanyang sariling dugo kung saan ay natagpuan din ang kanyang 9mm na service firearms hindi kalayuan mula sa katawan nito.
Mayroong sugat sa kanyang ulo ang nasabing pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa inisyal na pag imbistiga ng Police Station 5 sa pinangyarihan ng insidenti, sinabi ng mga kasamahan nito na 2:30 ng hapon ng nakarinig sila ng kalabog sa isang room sa opisina ng SAF pero hindi nila ito pinansin sa pag-aakalang mayroon lang nahulog.
Alas 5:45 ng hapon nang napansin ng kanyang mga kasamahan na hindi sumali ng kanilang formation ang nasabing biktima kaya kanila itong hinanap.
Sa ngayon iniimbistigahan pa ng pulisya ang nasabing insidenti ang inaalam pa kung mayroong foul play sa pagkamatay nito. Samantala hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ng nasabing SAF member.

Facebook Comments