Dalawa patay at isa sugatan matapos mag crash ang sinasakyang helicopter sa Malolos Bulacan

Dead on the spot ang dalawang katao habang sugatan ang isa matapos na mag crash ang sinasakyang helicopter sa Brgy Anilao City Malolos Bulacan kaninang alas 12:50 ng tanghali.

 

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial mismong sa fishpond bumagsak ang helicopter.

 

Ang nasawi ay dalawang lalaki at ang isa isinugod agad sa  ospital.


 

Ang  helicopter ay may  (Body # RP C8098) na  wasak na wasak nang ito ay bumagsak.

 

Sa ngayon nasa area na ang mga tauhan ng PNP para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

 

Pinangalanan ang mga biktima na sina Liberato P. Laus, 65 years old businessman, Wilfran A. Esteban (body guard), Capt. Everette Coronel (Pilot).

 

Facebook Comments