Binulabog ng pagsabog ang pasko ng mga residente sa Sitio Boquig, Bacayao Norte, Dagupan City, mula sa isang bahay kung saan dalawang katao umano ang nasawi habang dalawa naman ang sugatan.
Pansamantala namang inilikas ang ilang residente matapos madamay ang ilang kalapit na kabahayan.
Bukod dito, pansamantala ring isinara at binabantayan ng kapulisan ang pinangyarihan simula kahapon hanggang sa masigurong ligtas na ang lugar.
Patuloy pa ring iniimbestigahan kung ano ang sanhi ng pagsabog.
Wala pa ring opisyal na ulat kung may kinalaman ito sa paputok, ngunit makikita sa mga natirang piraso mula sa pagsabog ang iba’t ibang uri ng nito.
Facebook Comments








