Dalawa patay dalawa wounded sa shooting incident sa Cotabato City

Dalawa katao ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa Almonte Extension Cotabato City pasado alas onse kahapon ng tanghali
Sa panayam ng DXMY ngayong umaga kay City Director P/Col Michael Lebanan kinilala nito ang nasawing biktima si Aminodin Radzak Musa, negosyante , residente ng Poblacion 4 at Nasrudin at Nanao Residente ng Poblacion 2 habang wounded sina Doring Almanza 40 anyos, residente ng Poblacion 2 at Joharli Nanding 31 residente ng MB Poblacion.
Sinasabing nasa labas lamang ng isang tindahan ang mga biktima na biglang may humintong itim na Toyota Fortuner sabay bumaba ang mga suspek at walang habas na nagpaputok gamit ang 9mm at caliber 45 pistol .
Bagaman naisugod pa sa ospital ang mga biktima dalawa sa kanila ay tuluyang binawian ng buhay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.

Facebook Comments