Ang mga nasawi ay kinilala na sina Rogelio Bernardino ng Sto Niño, Cagayan at Porfilio Laddaran ng Sta Maria, Isabela.
May tatlo ring naiulat na sugatan na kinilala naman na sina Enrile Barangay Chairman Nicanor Pazziuagan, Carol Coreo ng Tuguegarao City at Rufino Agustin ng Allacapan, Cagayan.
Samantala, tuloy-tuloy parin ang pag-abot ng tulong ng mga kapulisan sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa pangunguna ni PRO2 Regional Director, PBGEN Steve Ludan ay binisita nila ang mga lugar na higit na naapektuhan ng bagyo sa Cagayan at Isabela.
Unang binisita ni RD Ludan ang Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Baggao at mga coastal towns ng Cagayan para sa tuluy-tuloy na inspeksyon at relief operation.
Base sa datos ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), ang bayan ng Baggao, Cagayan ang pinaka matinding naapektuhan ng bagyo kung saan may anim pang barangay ang patuloy pa ding minomonitor.
May kabuuang 94 na pamilya ang apektado sa barangay ng Taytay, Bagunut, Bitag Grande, Barsat, San Francisco at Temblique sa Baggao.
Patuloy rin ang kanilang isinasagawang road cleaning kasabay ng pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo sa mga nabanggit na lugar.
Naayos na rin ang ilang mga tulay at daan sa maliban sa tulay na nagdudugtong sa Barangay San Antonio at Barsat na hanggang sa ngayon ay hindi pa maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan.