Dalawa, patay sa pagtama ng 5.1 magnitude na lindol sa Ormoc, Leyte

Ormoc, Leyte – Kinumpirma ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na dalawa ang nasawi sa magnitude 5.1 na lindol sa Leyte kaninang umaga.

Kinilala ang dalawa na sina Maria Contreras Colasito ng Barangay Naunganbat at Rosita Baloro ng Barangay San Jose.

Sa panayam kay Mayor Gomez, nadulas at nabagok ang ulo ni Colasito nang tumakbo sa kasagsagan ng lindol habang si Baloro naman ay inatake sa puso.


Pareho pang dinala sa pagamutan ang dalawa subalit ideneklarang dead on arrival.

Samantala, iniulat din ng alkalde na halos animnapung bahay ang napinsala sa lindol.

Patuloy naman aniya ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaaang lungsod sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments