Pagbibigay ng insentibo sa mga manlalarong Pinoy sa SEA Games, nasa desisyon ng Pangulong Duterte ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Hindi pa batid ng Palasyo ng MalacaƱang kung bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng insentibo ang mga atletang Pinoy na nakapanalo ng medalya sa nagpapatuloy na SEA Games.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nasa pagpapasiya ni Pangulong Duterte ang usapin na ito, pero noon aniya ay nagbigay ng insentibo ang pangulo sa mga atletang nagbigay dangal sa bansa tulad ni Olympic Weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.

Sa tala ng MalacaƱang kaninang umaga ay mayroon nang 31 medalya ang Pilipinas kung saan 8 dito ay ginto, 11 naman ang silver at 12 ang bronze.


Hinikayat naman ng MalacaƱang ang mga manlalarong Pinoy sa SEA games sa Malaysia na pag-igihan pa ang kanilang performance sa pakikipagtagisan ng lakas.

Facebook Comments