Dalawa ang patay sa Tigdas sa lungsod mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Sinabi ni Dr. Ophelia T. Rivera , City Health Officer ng Dagupan ang mga biktima ay mula sa Barangay ng Bonuan Binloc at Calmay. 110 ang hinihinalang may tigdas at 19 dito ang kumpirmado.
Isa ang tigdas sa mga tinututukan ng City Health Office (CHO) kaya maging sabado at linggo bukas ang ahensya upang magbigay ng libreng bakuna. Nagdedeploy din ng mga personnel sa mga barangay dahil kung hindi umabot ng 90% o 100% ang nabakunahan sa isang lugar maaring ito ay magdulot pa ng hawaan ng sakit.
Dagdag ni Rivera dapat mabakunahan ang batang may edad na 6 months (pataas). Kailangan umanong mabigyan ng dalawang primary doses ng MMR (measles, mumps, rubella) at kung mabakunahan ang mga ito dapat mayroon pa rin booster na kasunod upang makaiwas sa tigdas.
Ang sintomas ng tigdas ay pagkakaroon ng mataas na lagnat, ubo, sipon at pamumula ng mata. Kung nakakaranas sa ang mga sintomas na ito paanyaya ng CHO na kumonsulta na sa doctor.
*Photo Credit
Allen Mayo [image: 55851208_1987225944905942_7227012718744567808_n (1).jpg]