Dalawa, positibo sa drug test sa inilunsad na ‘Oplan Harabas’ sa mga terminal sa Davao Region

Dalawa ang nag positibo sa inilunsad na surprise drug test sa mga bus at van drivers at mga konduktor, kahapon April 4, 2023 kaugnay sa ‘Oplan Harabas’ ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng DXDC RMN Davao kay Noli Dimaandal, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Xl), isang konduktor mula sa Digos City Terminal at isang drayber mula sa Tagum City Overland Transport Terminal (TCOTT) sa Davao del Norte ang nagpositibo at hindi na muna pinangalanan, habang walang nagpositibo sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) at Bajada Mall Terminal Davao City.

Dagdag ng tagapagsalita na sa screening test nagpositibo ang driver at konduktor kaya’t nakatakdang isailalim ang mga ito sa confirmatory test.


Posibleng haharap ang dalawa sa kasong may paglabag sa Republic Act (RA)10586 Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Matatandaan na nasa 600 na mga drayber at konduktor ang isinailalim sa surprise drug test mula sa apat na malalaking terminal sa Davao Region.

Facebook Comments