Isa sa ‘utak’ sa Degamo killing, hindi ‘cooperative’ sa NBI

Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi nakikipagtulungan sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Degamo murder ang isa sa mga mastermind sa krimen na si Marvin Miranda.

Gayunnman, sinabi ni Remulla na hindi ito makakaapekto sa takbo ng imbestigasyon, halos case-closed na ang pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Aniya, hawak na ng NBI ang halos lahat ng mga sangkot sa krimen.


Ayon sa kalihim, mas lalo ring nagiging malinaw sa kanila ang papel ni Miranda sa krimen dahil sa mga impormasyon na nakakarating sa kanila at sa mga nakatrabaho nito.

Kinumpirma rin ni Remulla na si Miranda ay convicted sa kasong illegal possession of firearms at under probation sa naturang krimen nang mangyari ang pamamaslang kay Degamo.

Facebook Comments