Dalawa sa labing apat na nasugatan sa Quiapo blast, seriously injured… Phil. National Police, nilinaw na walang kinalaman ang pagsabog sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Umakyat sa labing apat (14) angbilang ng nasugatan sa nangyaring pagsabog kagabi sa Quezon Boulevard sa Quaipo,Maynila.

Sa interview ng RMN kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde,sinabi nito na mula sa 14 na sugatan, anim rito ay nakalabas na ng ospital napawang nagtamo ng mga minor injuries.
Habang dalawa sa mga naiwang pasyente ay seriously injured.

Ayon kay Albayalde, base sa inisyal na report ng explosive ordinance disposal, isang homemade pipe bomb ang ginamit sa pagpapasabog.
Kasabay nito, nilinaw ni Albayalde na hindi “Acts of Terrorism”ang nangyaring insidente at wala itong kinalaman sa nagpapatuloy na ASEAN Summit.
Sa kasalukuyan, gang war ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpapasabog.


Facebook Comments