Dalawa sugatan sa nangyaring lindol sa Maynila

Dalawang babae ang naitalang sugatan sa maynila matapos ang nangyaring lindol kaninang alas-5:15 ng hapon.

 

Nakilala ang mga biktima na sina Marjorie Laurente at Julie Ann Piano na kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Immaculate Concepcion ladies hall.

 

Nabatid na nahuluhagan ang dalawa ng mga basag na salamin ng the one tower na matatagpuan sa Espana kanto ng Jhocson street.


 

Mabilis naman naisugod sa Perpetual Sucorr Hospital ang dalawa para sa agarang lunas.

 

Samantala, kinansela na din ang pasok sa FEU Manila, DLSU Manila, Lyceum Manila, San Beda at Mapua Manila.

 

Habang patuloy naman ang assesment ng tauhan mg Philippine Coast Guard sa mismong opisina dahil na din sa nangyaring lindol kung saan naglabasan din sila ng mangyari ang insidente.

Facebook Comments