Dalawang Lalaki sa Santiago City, Timbog sa Magkasunod na Buy Bust Operation!

62

Arestado sa magkasunod na ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad ang dalawang indibidwal sa lungsod ng Santiago.

Una rito ay kinilala ang isang suspek na si John Carlo Gorospe, 22,anyos at residente ng brgy. Malapat, Cordon, Isabela.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay PSSg. Lovel Jeff Tanggan ang imbestigador ng Santiago City Policr Station2 ay natimbog ito matapos manmanan ng mga otoridad ang iligal na gawain ng mga suspek.

Nakabili naman ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng droga kapalit ang limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.

Dagdag pa rito nadakip din si Randy dela Cruz, 22 anyos at isang merchandiser, matapos naman itong magbenta ng iligal na marijuana sa brgy. Mabini Santiago City.

Nakuha mula sa pag iingat nito ang isang sachet ng marijuana at limang daang piso na ginamit na buy bust money.

Samantala, nahaharap naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments

From Advertisers