Dalawa, sugatan sa pamamaril sa Maynila

23

Manila, Philippines -Sugatan ang dalawang katao kabilangna ang isang anim na taong gulang matapos tamaan ng ligaw na bala sa HermosaSt. Tondo, Maynila kagabi.
  Ayon kay Supt. Alex Daniel, hepe ng Jose Abad SantosPolice Station, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang kaniyang mga pulissa kahabaan ng riles nang makita si Doris Dela Cruz, isang kilalang drugpersonality sa lugar, kasama ang ilang mga lalaki.
  Nang akmang huhulihin ang mga suspek ay bigla na lamangumano nagpaputok ang ilan sa kanila kung saan tinamaan ang mga biktimang sinaStefie Kate Lenal-ber, 6 na taong gulang, at Erwin John Pasion, 35 taong gulangna kapwa nakatambay lamang sa lugar.
  Agad na dinala sa ospital ang mga biktima at inilipat saJose Reyes Memorial Medical Center.
  Naaresto naman ang tatlo sa mga kasamahan ng suspek nakinilalang sina Ringo De Delon at magkapatid na sina Jahnery at Jahramel Lunana nakuhanan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre 38 baril.
  Mahaharap ang tatlo sa paglabag sa ComprehensiveDangerous Drugs Act at illegal possession of firearms habang tinutugis na sinaDela Cruz at isa pang nakatakas na si alyas Toteng.
 

Facebook Comments