Kuliglig driver, patay sa road accident sa Pasay City

62

Manila, Philippines – Patay ang isang kuliglig drivermatapos salpukin ng rumaragasang taxi sa Pasay City.
  Inaalam pa rin ng traffic bureau ng pasay police angpagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng kulay asul na tshirt at gray na shortpants.
  Sumuko naman ang taxi driver na si Ramoncito Valiente.
  Ayon kay Valiente, binabaybay niya ang kahabaan ng RoxasBoulevard at pasampa na siya ng flyover nang masilaw siya sa ilaw ng mganakasalubong niya patungong southbound at bigla na lang sumingit ang kuligligkaya’t nasalpok niya ito.
  Bukod sa taxi, nadamay din sa aksidente ang dalawangtruck na pawang nagkaroon din ng pinsala.
  Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang malagimna aksidente.

Facebook Comments