Wednesday, March 11, 2026

DALAWA, SUGATAN SA SALPUKAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA SAN JACINTO

Sugatan ang dalawang lalaki matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Barangay Guibel, San Jacinto kahapon ng gabi, Marso 10, 2026.

Ayon sa imbestigasyon ng San Jacinto MPS, magkasalungat ang tinatahak na direksyon ng dalawang lalaki. Pagdating sa pababang bahagi ng kalsada, napunta umano sa kabilang linya ang motorsiklong minamaneho ng 36-anyos na lalaki sanhi ng pagkakabangga sa motorsiklong minamaneho naman ng 23-anyos na lalaki.

Dinala agad sa ospital ang parehong lalaki sa ospital at napag-alamang wala umanong helmet ang 23-anyos na lalaki habang ang 36-anyos na lalaki naman ay naka-helmet ngunit inulat na intoxicated sa oras ng aksidente.

Ang parehong motorsiklo ay dinala sa San Jacinto Police Station para sa karampatang aksyon at pag-aayos ng pinsala.

Kaugnay nito, pinayuhan ng San Jacinto PNP ang lahat ng motorista na laging sumunod sa batas-trapiko, magsuot ng helmet, at iwasang magmaneho kung lasing upang maiwasan ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments