Dalawang indibidwal ang naaresto matapos maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa isang paupahang bahay sa Brgy. San Alejandro, Sta. Maria, Pangasinan.
Naganap ang operasyon bandang alas-onse ng umaga noong Pebrero 10, 2026 matapos makatanggap ng ulat ang Santa Maria Police Station.
Agad na rumesponde ang mga pulis at inaresto ang isang 30-anyos na babae at isang 42-anyos na lalaki sa lugar ng insidente.
Sa isinagawang body search at operasyon, narekober ang hinihinalang marijuana, shabu, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Bukod dito, sa isinagawang search and seizure sa inuupahang bahay ng mga suspek, nasamsam ang ilang baril at bala kabilang ang isang cal. .22 revolver, isang improvised firearm, at isang cal. .38 revolver.
Dinala ang mga suspek sa ospital para sa mediko-legal na pagsusuri habang isinailalim naman sa laboratory examination ang mga ebidensya.
Kasalukuyang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 laban sa mga naarestong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










