Dalawa,kalaboso sa illegal na droga sa Pasay City

177

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Makati City.

Nakilala ang arestado na si Ferdinand Sampaga, 37 taong gulang, at residente ng Adalla St. sa Brgy. Guadalupe Nuevo.


Rumoronda ang mga barangay tanod sa Progreso Street nang matiyempuhan ang suspek na umiihi sa kalsada na tila may inaabot sa isa pang lalaki.

Agad itong sinita pero biglang tumakbo ang isa pang lalaki habang na-corner si Sampaga.

Nang kapkapan ang suspek, nakuha sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakulong na ang suspek sa Makati Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa ordinansa ng lungsod at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Facebook Comments