Isang lalaki, patay matapos saksakin sa footbridge sa QC

176

Manila, Philippines – Patay ang isang lalake matapos na pagsasaksakin ng hindi kilalang suspek sa footbridge ng Sandiganbayan sa Commonwealth Quezon City.

Hindi pa kilala ang pagkakilanlan ng biktima na nakasuot na kulay itim na sando, itim na short at nasa 35 hanggang 40 anyos.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid lamang ang hindi kilalang biktima mula sa kabilang bahagi ng footbridge at pagdating sa kabilang bahagi dito pinagsasaksak ng hindi pa nakilalang suspek.

Bumagsak ang biktima mula sa footbridge duguan nakahandusay sa hagdanan.

Base naman sa kwento ng isang tindera roon na malapit sa pinangyarihan ng krimen, nagdidisplay lamang siya ng kanyang paninda ng bandang alas siyete kagabi ng makarinig siya ng kalabog sa footbridge at mayat mayay nakarinig na siyay ng isang sigaw na humihingi ng tulong at nang lapitan niya nakita nalamang nito na nakabulgta na ang biktima sa hagdanan ng footbridge na posibleng nahulog mula sa itaas.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino at ano ang motibo ng suspek sa pananaksak at inaalam din kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.




Facebook Comments