Manila, Philippines – Maliban sa Maute Group at tatlong iba pang grupo sa Mindanao na sinasabing nangako na ng katapatan sa Islamic State ay mayroon pang dalawampung (20) cell group sa Mindanao na nagdeklara ng pag-anib sa ISIS.
Nakasaad ito sa 84-pahinang memorandum na isinumite ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema para bigyang katwiran na may sapat na basehan o sufficient factual basis ang idineklarang martial law sa Mindanao.
Ang mga nasabing cell group ay naglunsad na rin ng mga pag-atake sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga at Davao.
Maliban sa paghahasik ng takot sa mga tao layunin din ng mga ito na magdeklara ng hiwalay na teritoryo sa Pilipinas.
Sa katunayan, umabot na sa 43 mararahas na pag-atake ang inilunsad ng nasabing mga grupo at karamihan sa mga insidenteng ito ay mga pagsabog, panggigipit at pagdukot.
Kabilang sa mga sinasabing cell group na nasa Mindanao ay ang mga sumusunod:
1. Ansar Dawiah Fi Filibbin
2. Rajah Solaiman Islamic Movement
3. Al Harakatul Islamiyah Battalion
4. Jama’at Ansar Khilafa
5. Ansharul Khilafah Philippines Battalion
6. Bangsamoro Justice Movement
7. Khilafah Islamiya Mindanao
8. Abu Sayyaf Group (Sulu Faction)
9. Syuful Khilafa Fi Luzon
10. Ma’rakah Al-Ansar Battalion
11. Dawla Islamiyyah Cotabato
12. Dawlat Al Islamiyah Waliyatul Masrik
13. Ansar Al-Shariyah Battalion
14. Jamaah Al-Tawhid Wal Jihad Philippines
15. Abu Dujanah Battalion
16. Abu Khubayn Battalion
17. Jundallah Battalion
18. Abu Sadr Battalion
19. Jamaah Al Muhajirin Wal Anshor At
20. Balik-Islam Group