Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang dalawampung lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan bilang outstanding LGUs ng ahensya.
Batay sa naging resulta ng 2022 ADAC Performance Audit ng ahensya labingsiyam na bayan at isang lungsod ang kinilala at ginawaran ng ahensya.
Ito ang mga bayan ng Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Basista, Bayambang, Bugallon, Burgos, Calasiao, Malasiqui, Mangatarem, Mapandan, Rosales, San Manuel, Sta. Barbara, Santa Maria, Tayug, Urbiztondo at Villasis.
Tanging ang Alaminos City lang ang napabilang sa listahan ng ahensya dahil Ito ay may tinaguriang Outstanding City/Municipal Anti Drug Abuse Councils.
Binigyang-puri naman ni DILG Pangasinan Provincial Director Virgilio Sison ang mga nabanggit na lokal na pamahalaan sa lalawigan sa kanilang ipinamalas na galing mga ito.
Kinilala din ang mga nabanggit na LGUs bilang ADAC Outstanding LGUs dahil sa kanilang magandang “performance” sa Anti Drug Abuse Council. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments