Dalawampung religious groups, nagtipon tipon sa QC para suportahan ang aktibidad sa February 21-22 ng grupong Revolutionary Government Towards Federalism

Sumama na rin ang grupong relihiyoso sa mga grupong nais magpakita ng puwersa para kumbinsihin ang Pangulo na gusto ng taumbayan ang pagpapalit ng porma ng gobyerno.

Nagsama-sama para sa isang ecumenical prayer ng iba’t ibang religious group.

Ito’y dalawang araw para sa ikinasang malaking motorcade sa February 21-22 ng grupong Revolutionary Government Towards Federalism.


Mahigit dalawampung religious groups mula sa Christian at Muslim Community ang nakibahagi sa interfaith prayer sa Quezon City.

Sa kanilang mga statement, naniniwala ang mga religious group na tanging ang paglipat mula sa sistemang unilateral patungong pederalismo ang kasagutan sa suliranin sa kahirapan, korapsyon at pananaig ng oligarkiya.

Facebook Comments