Manila, Philippines – Dalawampu’t tatlong centenarians ang tatanggap ng parangal at insentibo mula sa gobyerno ngayong taon.
Nabatid na siyam sa mga ito ay mula sa Mountain Province, apat naman sa Apayao, Abra at Kalinga.
Habang tag-isa naman mula sa Baguio City at Ifugao.
Ang nasabing bilang ay mula sa 25 pangalan na naisumite noong nakalipas na taon.
Sabi ni DSWD-CAR Regional Director Janet Armas, dalawa sa 25 indibidwal na nagsumite ng pangalan ay hindi pa nakakapagsumite ng requirements kaya’t 23 pa lamang ang mabibigyan parangal at benepisyo sa susunod na buwan.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 10868 o Centenarian Act of 2016, sinumang Pilipino na nakatira sa bansa na nasa 100 years old na ay makakatanggap ng P100,000 regalo mula sa pamahalaan.
Bukod pa ito sa matatanggap nilang sulat ng pagkilala at pagrespeto galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.