Dalawang aircraft mula Amerika, ibinigay sa Philippine Air Force

*Manila, Philippines – *Nakatanggap ng libreng dalawang bagong aircraft ang Philippine Air Force mula sa Amerika.

Ang dalawang aircraft na ito ay ang Cessna C-208B Aircraft na may modern at sophisticated Camera at receiver.

May capacity na 2 piloto at 2 sensor operators at may maximum endurance na 5 hours and 30 minutes, may maximum gross weight na 4011 kilograms, speed na 324 kilometers per hour at fuel capacity na 1,283 liters na nagkakahalaga ng 1.6 billion pesos.,


Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, magagamit sa counter terrorism, at pagsasagawa ng internal security operation, humanitarian assistance, disaster relief at law enforcement ang dalawang eroplanong ito.

May kakayanan din aniya ang mga aircraft na ito na magsagawa ng detalydong aerial survey sa isang lugar partikular sa karagatan para bantayan ang mga barkong pumapasok sa teritoryo ng bansa.

Sinabi naman ni US Ambassador to the Phil. Sung Kim ang donasyong ito ay bahagi ng grant mutual ng Amerika at Pilipinas.

Sa ngayon pagaaralan pa ng AFP kung saan partikular na lugar sa bansa isasabak ang dalawang bagong aircraft.

Facebook Comments