Dalawang araw na transport strike ng mga panpasaherong jeep, naka-ambang sa susunod na linggo

118

Manila, Philippines – Naka-amba sa susunod na linggo ang dalawang araw na transport strike ng mga pampasaherong jeep.

Ayon kay National Confederation of Transport Workers Union Chairman Ernie Cruz, ito ay bilang protesta ng mga tsuper at jeepney operator sa planong pag-phase out sa mga lumang jeep.

Aniya, hindi natinag ang pamahalaan sa kanilang tigil pasada noong Pebrero kaya’t nais nilang paralisahing muli ang transportasyon ngayong buwan.

Ilalarga ng grupo ang tigil pasada sa Mayo 22 hanggang 23.
DZXL558

Facebook Comments