Dalawang babae, arestado sa pagbebenta ng iligal na droga sa Malabon

Nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon City Police ang dalawang ginang dahil sa iligal na droga.

Ang mga nadakip na pawang mga residente ng Brgy. Longos ay nakilalang sina Elsie Torres, 61-anyos at Merlinda Centones, 57-anyos.

Nasakote sila sa ikinasang buy bust operation sa kanto ng Hito at Halaan Street sa nabanggit na barangay.


Nabatid na target ng operasyon si Torres kung saan natiyempuhan lamang ng mga awtoridad ang kapwa nito tulak ng iligal na droga ma si Centones.

Nakumpiska sa kanila ang nasa apat na sachet ng shabu na may bigat na higit 15 gramo at nagkakahalaga ng P104,000.00.

Aminado ang dalawa sa pagbebenta ng iligal na droga pero nananatiling tahimik ng tanungin kung saan sila nakakakuha ng suplay.

Facebook Comments