Isang babaeng hinihinalaang drug pusher, timbog sa Marikina City

Kalaboso ang isang babaeng hinihinalaang tulak sa ipinagbabawal na gamot makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station sa Ditchoy St., Brgy. San Roque, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si alias “Leslie”, 30 anyos at residente ng Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon ng Marikina PNP, nagsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad sa Ditchoy St., Brgy. San Roque, Marikina City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Narekober sa suspek ang humigit kumulang 45 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php306,000.00.

Paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments