Dalawang babaeng nagbihis madre, pinaghahanap sa tangkang panghoholdap sa isang bangko

Pennsylvania – Epic fail ang nangyari sa dalawang babae na nagpanggap na madre at nagtangkang mang-holdap ng bangko sa Pennsylvania.

Batay sa mga larawang inilabas ng Federal Bureau of Investigation, pumasok ang dalawang babaeng nakasuot ng abito sa citizens bank sa Tannersville.

Agad naglabas ng baril ang mga suspek at humingi ng pera sa teller kung saan wala naman maibigay dahil sa kabubukas pa lamang ng nasabing bangko.


Agad na tumakas ang mga suspek matapos mabigo sa kanilang pakay kung saan pinaghahanap sila ngayon ng mga tauhan ng FBI.

Facebook Comments