Dalawang babaeng pinaghihinalaang tulak ng droga, timbog sa QC

67

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Fairview Police Station Police Station 5 ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Danniza Federizo alias “Ate,” 30-anyos, residente ng No. 24 F. Carlos St., Royal Rd. Baesa, Quezon City at Aileen Velante, 43-anyos, residente ng No. 47, Lincoln St., SFDM, Quezon City.


Nakuha sa mga ito ang aabot sa 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na magkakahalaga ng P340,000 at P8,000 buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments