Magpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS) ang dalawang bagong gun boats ng Philippine Navy.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panayam sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy.
Ang dalawang bagong gun boats na Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Gener Tinangag o PG903 at BRP Domingo Deluana ay kinomisyon kanina na sinaksihan mismo ng pangulo.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., kasama na ang dalawang ito na magpapatrolya sa West Philippine Sea.
Pero hindi lang daw ito sa West Philippine Sea gagamitin.
Ayon sa pangulo maging ang Civil Defense ay gagamit nito para sa ginagawang search rescue at relief operation sa panahon ng kalamidad.
Mahalaga rin ayon sa presidente ang role ng Armed Forces of the Philippines sa paggamit ng dalawang bagong gun boats.
Isasama na aniya ang mga bagong gun boats na ito sa imbentaryo ng Philippine Navy.