Halos 300 indibidwal sa Green Island sa Roxas, Palawan, maagang inilikas bago pa dumating ang Bagyong Mawar sa bansa

Maagang inilikas kahapon ang nasa 81 na pamilya o 283 individuals sa Green Island na sakop ng Roxas, Palawan bilang paghahanda sa papasok na Super Typhoon Mawar sa bansa.

Ayon kay Roxas, Palawan Mayor Dennis Sabando, desisyon mismo ng mga nasabing residente ang magsagawa ng pre-emptive evacuation.

Sabi ni Sabando, ayaw na nilang maulit ang sinapit nila sa pananalasa ng Bagyong Odette noong 2021.


Ngayong araw, inaasahang madadagdagan pa ang lilikas na residente maliban na lamang sa ilang indibidwal at mangingisda na nagpasyang magpaiwan upang magbantay sa kanilang tirahan at bangka.

Facebook Comments