Dumating na sa bansa ang dalawang bagong trainsets ng Philippine National Railway o PNR.
Ayon sa pnr, kasalukuyang nasa port of manila ang mga bagong trainsets at inaantay na lang itong dalhin sa kanilang depot.
Ang bagong 8100 series na diesel multiple units o DMU na may four-car formation kada set ay bahagi ng 2018 procurement at re-fleeting strategy ng PNR na naglalayong itaas ang kapasidad at madalas na biyahe ng mga tren.
Ang mga nasabing bagong tren ay sasailalim sa sa 150 oras na validation test bago ideploy sa commercial operations
Sakali naman maging fully operational ang mga bagong tren, kaya nitong magsakay ng hanggang 1,000 pasahero kada biyahe at may ruta itong tutuban patuungong alabang.
Inihayag din ng pamunuan ng PNR na magkakaroon pa sila ng dalawang diesel multiple units, tatlong locomotive, labing limang passenger coaches at dalawang shutters sa loob ng unang bahagi ng taong 2020.