Dalawang Bandido, patay sa sagupaan sa Zamboanga del Norte

Manila, Philippines – Patay ang dalawang pinaniniwalaang Bandido matapos makipag bakbakan ng Militar at Pulisya sa Barangay Panganuran, Sibuco, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Capt. Jo Ann Petinglay angvtagalagsalita ng AFP Western Mindanao Command nagsasagawa ng anti-kidnapping rescue operation ang mga tauhan ng 42nd Infantry Battalion ng PA sa pangunguna ni 1st Lieutenant Basyon at ang Zamboanga del Norte Provincial Public Safety Company nang nakasagupa ang sampung bandido sa pangunguna ni Ustadz Kadjo Tungayaw.

Narekober naman ng puwersa ng Militar at Pulisya ang isang Garand rifle, Carbine automatic rifle, improvised shotgun, ibat ibang bala , at camouflage uniforms nagtagal ng sampung minuto ang sagupaan.


Nagpapatuloy ang operation daw ng militar at pulisya sa Zmboanga Del Norte partikular na sa mga bayan ng Sibuco, Siocon, Sirawai, at Baliguian, kasunod ng insidente ng Kidnapping sa bayan ng Labason ngayong buwan ng Setyembre.

Facebook Comments