Dalawang barangay sa bayan ng Matanog Maguindanao nasa ilalim ng areas of concern

Nakatutok ngayon ang Matanog PNP sa dalawang mga barangay na kabilang sa areas of concern kaugnay sa nalalapit na Barangay at SK elections. Tinukoy ni Matanog PNP Deputy chief of Police Inspector Junior Abas ang nasabing mga barangay ang barangay Sapad at Bugasan Sur.
Sa pahayag pa ni Abas may naitalang insidente ng panununog ng eskwelahan sa Brgy. Sapad habang kadalasang nangyayari ang insidente ng pananambang sa Brgy. Bugasan Sur.
Binanggit pa ni Abas na inaasahan nilang hindi na mauulit ang ganitong uri ng insidente sa kanilang lugar ngayong eleksyon dahil babantayan ito ng mga otoridad.
Ang bayan ng Matanog ay may walong mga barangay .
Nakatuon ngayon ang atensyon ng Matanog PNP sa pagbibigay ng seguridad para sa nalalapit na eleksyon.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments