Dalawang barko ng Philippine Navy, naghatid ng relief supplies sa Bicol

COURTESY: PHILIPPINE NAVY

Nakarating na sa Bicol ang dalawang Barko ng Philippine Navy para maghatid ng relief supplies sa mga biktima ng nakalipas na Bagyong Rolly.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, dumating kahapon ang BRP Tausug (LC295) sa Castilla Seaport sa Sorsogon dala ang 13 tonelada ng kargamento na binubuo ng mga tolda, 60 sako ng bigas, dalawang sako ng used clothing at 1,000 packs ng relief goods.

Ang barko na minamando ni Cmdr. Michael Volante ay umalis mula sa Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point, Cavite City nitong Miyerkules, Nobyembre 4, 2020.


Naunang dumating nitong Huwebes, Nobyembre 5, sa Port of Legaspi ang BRP Pangasinan (PS31) na umalis naman mula sa Lapu-Lapu City sa Cebu noong November 4, 2020.

Dala nito ang 40 tonelada ng relief goods mula sa Cebu na nilikom ng Police Regional Office 7 (PRO-7), Naval Forces Central at iba’t ibang local government agencies at Non-Government Organizations sa Central Visayas area.

Personal na pinangisawaan ni Naval Forces Southern Luzon Commander Commo. Jose Ma Ambrosio Ezpeleta ang disaster response operations ng dalawang barko.

Facebook Comments